Mahalagang Anunsyo #2
Bago ang lahat, salamat sa inyong mga padala! Marami talaga ang nakaka-relate sa mga problema’t kaligayahan natin. Feeling mo tuloy hindi ka nag-iisa at merong dadamay sa’yo sa lungkot at tuwa. Send lang kayo nang send!
Yun nga lang, sarado ang tindahan tuwing Sabado, mula 6 ng umaga. Pero ‘wag kayong mag-alala kasi sa Linggo, magkakaroon na uli ng post. Meron kasi akong mahalagang ginagawa sa ganung panahon.
At isa pa pala. Matapos ang isang linggo, nasa loob na tayo ng top 25 Philippine Tumblrs! Mas sikat pa tayo sa tumblr ko. Kaya patuloy lang ang pagpadala ng mga saloobin at opinyon at kung anu-ano pa. Sinusubukan ko pa rin sagutan isa-isa para masaya. So, iwan niyo lang ang tunay niyong email kung gusto niyo. Kung ayaw niyo, ok lang — basta masabi mo lang ang gusto mong sabihin.
Hanggang dito na lang siguro ang aking anunsyo. Ingat kayo lagi ha.
Teka, may naisip ka bang magpapaganda at maidadagdag para sa memasabilang?
-admin pogi
?

